Sanggol inabandona sa health center

KIDAPAWAN CITY, Philippines — Isang kasisilang pa lang na sanggol ang iniwan ng ‘di nakikilalang babae sa rural health center sa Barangay Manongol, Kidapawan Ci­ty, kamakalawa ng hapon.

Ayon kay Barangay Chair­­woman Beatriz de Villa, ang sanggol ay naka­balot sa lampin na may bahid pa ng dugo at may ng mga bulak­lak na amorsiko.

Napag-alamang nagpa­alam ang ina na may bibil­hin lang sandali sa pa­lengke subalit ‘di na ito bu­malik ka­ya duda si de Villa na sad­yang iniwan ang sanggol sa hindi nabatid na dahilan.

Sa pahayag ng ba­rangay midwife na si Lani Meloria, nagmamadaling uma­lis ang isang babae na may apelyi­dong Hernandez ng Purok 2 sa nabanggit na barangay.

Pero duda si Meloria na pawang mali ang impor­masyong ibinigay ng babae sa health center at walang balak na balikan pa ang sanggol.

Kaagad naman dinala sa City Hospital ang sang­gol para sumailalim sa new born screening. - Malu Manar


Show comments