Mag-asawa utas sa kotse

RIZAL, Philippines – Maagang kinarit ni kamatayan ang mag-asawang sakay ng motorsiklo matapos na masalpok ng kotse kamakalawa sa Ortigas Avenue Ext. sa bayan ng Cainta, Rizal.

Idineklarang patay sa Amang Ro­driguez Medical Center ang mag-asawang sina Ar­mando Dupay, 53; at Gloria Dupay, 49, kapwa residente ng Mark Street, Jansenville Subdivision sa Brgy. San Juan, Cainta.

Pormal namang kinasuhan ang drayber ng Hyundai Elantra (EJY 409) na si Hardeep Irn y Singh, 24, isang nurse, at naninirahan sa Salvador Compound sa Brgy. San Isidro. (Danilo Garcia)

Show comments