^

Probinsiya

NBI agent na lider ng kidnap-for-ransom gang tugis

- Nina Joy Cantos at Cristina Timbang -

MANILA, Philippines - Isang malawakang manhunt operations ang inilun­sad kahapon ng pinagsanib na elemento ng  Police Anti-Crime Emergency Response (PACER) at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) laban sa isang agent ng National Bureau Investigation (NBI) na pinaniniwa­laang lider ng big time kidnap-for-ransom (KFR) gang.

Kinilala ang tinutugis na suspek na si NBI agent III Junnel Malaluan, gayundin ang ka-live-in nito na si  Khaye Macy Mendoza at si  Barani  Memoracion  na po­si­tibong ki­nilala  ng bikti­mang si Sowaib Musa y Tago, 20,  tubong Ma­rawi City, Lanao del Sur at nani­nirahan sa  Block 85, Lot 2, Brgy 188 Tala, Caloocan City.

Ayon kay P/Chief Supt. Raul  Castaneda, director ng PNP-CIDG, si Musa ay  di­nu­kot ng mga suspek na nag­pakilalang mga  tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sakay ng berdeng Toyota Tamaraw van noong Hunyo 8 sa Phase 2, Malaria, Caloocan City.

Sa loob ng Van inatasan ng mga suspek ang biktima na tawagan ang asawa  at maghanda ng P.3 milyon ransom.

Dahil sa takot ng asa­wang si Raihanei Abusa­mad-Musa  ay nakipag­ta­wa­ran ito sa mga kidnaper at naibaba  sa P.1milyon kung saan ipina­da­la naman sa Western Union sa pangalan ng isang Barani Memora­cion pero hindi pa rin pina­laya ang biktima.

Noong Hunyo 13 ng gabi nakatakas ang biktima kaya naipagbigay-alam sa kinau­ukulan ang insidente kung saan ni-raid naman ang kuta ng mga suspek sa Pasong Bua­ya 2, Imus Cavite.

Naaresto ang dalawa sa limang suspek na sina Ja­ma­rie Arceo at Mildred Dollete na kapwa nanini­rahan sa Pasaje San Miguel, Tarlac City.

BARANI MEMORA

CALOOCAN CITY

CHIEF SUPT

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

IMUS CAVITE

JUNNEL MALALUAN

KHAYE MACY MENDOZA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with