Kinalasan ng nobya, nagbigti

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang hindi matanggap na kalasan ng nobya, nagde­sisyon ang isang 17-anyos na hayskul student ang nagpakarit kay kama­tayan matapos itong magbigti sa palikuran ng kanilang tahanan kamakalawa sa Jaro, Iloilo City, Iloilo.

Bandang alas-7 ng gabi nang matag­puang naka­bitin gamit ang sinturon sa kisame ng palikuran si Elias Menjo Jr. ng Jalandoni Street, Jaro, Iloilo City.

Ayon sa tiyahin na si Mari­cel Lim, sineryoso ng biktima ang problema sa pag-ibig kung saan naki­paghiwalay sa kan­yang kasintahan. Napag-alamang makikipag­bal­ikan ang biktima subalit mariing tinanggihan ng babae. Ricky Tulipat

Show comments