Kolumnista inambus, dedo
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Isa na namang newsman ang naging biktima ang extrajudicial killing matapos itong pagbabarilin ng motorcycle-riding assassin noong Araw ng Kalayaan sa kahabaan ng highway sa Purok 1, Barangay Marcella sa bayan ng Uson, Masbate. Napag-alamang papauwi na si Antonio Atabay Castillo, 45, nang ratratin kung saan sumeplang pa ang motorsiklo nito. Naisugod pa sa Masbate Provincial Hospital ang biktimang kolumnista ng lokal na diyaryo na Bigwas subalit idineklarang patay. Ayon sa police report, dumalo muna ang biktima sa Masbate City Hall bilang paggunita ng ika-111anibersaryo ng Kalayaan bago umuwi sa Brgy. G. Alino sa bayan ng Dimasalang. May teorya ang pulisya na may kinalaman sa trabaho ng biktima ang krimen. - Ed Casulla
- Latest
- Trending