Tulay pinasabog

MANILA, Philippines – Pinasabog ng Moro Islamic Liberation Front ang Lintukan Bridge sa Baran­gay Magastong, Datu Pi­ang, Maguindanao kaha­pon ng madaling-araw.

Bunsod nito’y kinon­dena ng gob­yerno ang na­sabing karaha­san ng tropa ni Com­mander Ame­ril Umbra Kato na nga­yon ay may pa­­­­tong sa ulo na nag­kaka­halaga ng P10 milyon.

Wala naman naiulat na na­sawi o nasaktan sa insi­dente at patuloy ang gina­ga­wang opensiba ng military laban sa MILF. (Joy Cantos)


Show comments