Lider militante itinumba

MANILA, Philippines – Pinagbabaril at napatay ang isang lider ng militan­teng grupo ng hindi pa kila­lang mga armadong ka­lalakihan ka­makalawa ng hapon sa Duma­guete City, Negros Oriental.

Ang biktimang si Fermin Lorico, tagapa­ngulo ng Kaug­maon-Kilu­san ng Mag­­bubukid ng Pilipinas, ay nag­tamo ng tatlong tama ng bala sa liku­rang bahagi ng kan­yang ulo.

Batay sa report, dakong alas-4:00 ng hapon nang maganap ang insidente sa San Jose Extension St., Du­maguete City.

Ayon sa pulisya, kasalu­kuyan nang isinasailalim sa awtopsya ang bangkay ng biktima at patuloy na nag­sasagawa ng imbesti­gasyon upang matukoy ang nasa likuran ng pama­maslang. (Joy Cantos)


Show comments