^

Probinsiya

Bombay sinagip ng security escort ng judge sa kidnapper

-

MANILA, Philippines - Nasilat ng mga security escort ng dalawang huwes ang tangkang pagdukot sa isang negosyanteng Indian national matapos na maki­pagbarilan sa mga kidnapper na ikinasugat ng driver ng isa sa mga opisyal sa Co­tabato City kahapon ng tang­hali.

Kinilala ni Armed Forces of the Philippines-Eastern Min­danao Command Spokesman Major Randolph Ca­ bang­bang ang nasagip na biktima na si Manohar Mike Khe­mani, may-ari ng Sugni Su­perstore at residente ng Bonifacio St., Cotabato City.

Isinugod naman sa pa­gamutan ang nasugatang driver ng negosyanteng Bombay na si Christopher Aracena habang ligtas na­mang nakapuslit sa mga kidnapper si Khemani.

Sinabi ni Cabangbang na naganap ang insidente ha­bang lulan ang mag-amo sa landcruiser galing sa pakiki­pagpulong sa Sardonyx Plaza nang harangin ng tatlong armadong kalala­kihan na pinaghihinalaang miyembro ng kidnap-for-ransom gang sa kahabaan ng highway ng Gutierrez Ave­nue, Barangay RH 7, Cota­bato City.

Puwersahang kinakalad­kad palabas ng sasakyan ng mga kidnapper si Khemani nang magkataong napa­daan ang convoy nina Judge Ibrain Bansawan, Executive Judge ng Branch 13, at Judge Ben Garcia ng Dole 12 kasama ang kanilang mga security escorts.

Nang makita ang komos­yon ay kaagad pinaputukan ng mga security escorts ang mga kidnapper na nakipag­barilan sa mga ito.

Napilitan namang mag­sitakas ang mga suspek pa­tungo sa Malagas area na nabigong matangay ang target na negosyante pero na­su­gatan ang driver nito sa pa­litan ng putok. (Joy Cantos)

vuukle comment

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES-EASTERN MIN

BONIFACIO ST.

CHRISTOPHER ARACENA

COMMAND SPOKESMAN MAJOR RANDOLPH CA

COTABATO CITY

EXECUTIVE JUDGE

GUTIERREZ AVE

JOY CANTOS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with