Religious group binatikos sa pakikialam
MALOLOS CITY, Philippines – Mariing binatikos ng pinalitang director ng pulisya ng Bulacan ang pakikialam ng relihiyosong grupo sa pagpapalit ng opisyal ng pulis kahapon sa Camp General Alejo Santos sa Malolos City.
Sa kanyang talumpati sa turnover ceremonies na isinagawa sa nabanggit na kampo, nagbabala si P/Senior Supt. Allen Bantolo na mapanganib na tularan ang pakikialam ng mga relihiyosong grupo sa appointment ng mga pulis.
“It is not only alarming and dangerous but threatens the very fiber of the morale of officers specially those who consider their calling as sacred,” pahayag ni Bantolo.
Sinabi niya na walang problema kung ang pagkakatanggal sa kanya sa puwesto ay dahil sa mga pagkukulang at pagkakamali sa pamumuno.
“But if unseen hands, specially religious organizations who violate the constitutional mandate of the separation of Church and State, by dipping their power and influence over duly elected local government officials, then it is very, very dangerous,” dagdag pa ni Bantolo.
“Simply put: clergies, preachers, deacons and their likes have no place in meddling in purely governmental affairs. The selection of police officers should therefore be left as an exclusive discretion of local government officials,” paliwanag pa ni Bantolo.
Walang tinukoy na religious group si Bantolo subalit inilarawan niya ito na laging hino-hostage ang mga pu litiko sa Bulacan na nagnanais na muling mahalal.
“The consequences of this dangerous precedent could threaten the very core of our national security and political stability. Moreover, this unconstitutional and condemnable practice have sown the seed of discontent,” ani Bantolo.
Bilang kasapi ng Philippine Military Academy (PMA) Class 1983, si Bantolo ay naglingkod bilang acting Bulacan police director mula Nobyembre 2007 hanggang kahapon at papalit si P/Senior Supt. Diosdado Ramos. (Dino Balabo at Boy Cruz)
- Latest
- Trending