MANILA, Philippines - Naging palaisipan sa pulisya ang pagkikilanlan ng isang bangkay ng babae na walang ulo matapos itong matagpuan sa loob ng dram sa bisinidad ng Brgy Cabay sa bayan ng Tiaong Quezon, ayon sa ulat kahapon.
Sa police report na nakarating sa Kampo Crame, ang biktima sa may taas na 5’ at nasa pagitan ng 30-40 anyos ay nakagapos ang dalawang kamay, paa at binalutan ng packaging tape.
May teorya ang mga imbestigador ng pulisya na pinaslang ang biktima sa ibang lugar saka itinapon sa nabanggit na barangay para iligaw ang nagsisiyasat. (Ricky Tulipat)