^

Probinsiya

Kinatay ng ka-live-in

-

Pinagtataga hanggang sa mapatay ang isang 33-anyos na babae ng kaniyang ka-live-in partner matapos ang mainitang pagtatalo dahil sa matinding selos kamakalawa sa bayan ng Buenavista, Agusan del Norte. Kinilala ang biktima na si Eleuteria Antido, samantalang sumuko naman ang suspek na si Alfonso Canales, 48, kapwa naninirahan sa P-4, Brgy. Manapa, Buenavista. Sa police report na nakarating sa Camp Crame, nagkainitan ang dalawa sa loob ng kanilang bahay kung saan nagseselos ang lalaki dahil palaging nakapustura ang babae sa tuwing aalis ng kanilang tahanan. Gayon pa man, tumakas ang suspek subalit matapos mahimasmasan ay  boluntaryo namang sumuko sa pulisya. - Joy Cantos


AGUSAN

ALFONSO CANALES

BRGY

BUENAVISTA

CAMP CRAME

ELEUTERIA ANTIDO

GAYON

JOY CANTOS

KINILALA

MANAPA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with