Chemist utas sa tower

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Isang chemist na sinasabing ginagampanan ang kanyang tungkulin ang iniulat na nasawi makaraang mahulog mula sa cooling tower ng Geothermal Power Plant sa bayan ng Tiwi, Albay kamakalawa. Naisugod pa sa ospital subalit hindi na umabot ng buhay si Irma Alfelor, 55, ng #415 Sweet Home, Washington Drive, Legazpi City at chief chemist ng Aboitiz Power Renewable Inc. Base sa police report, lumilitaw na nag-iinspeksyon sa cooling tower ang biktima kasama ang ilang kawani ng nabanggit na kompanya nang mapatapak ito sa ma­rupok na kahoy. Dito na bumigay ang kahoy at bu­mulusok ang biktima mula sa taas na 60 talampakan ng nabanggit na tower. - Ed Casulla


Show comments