Inilibing sa poso negro

NUEVA ECIJA, Philippines – Dahil sa masangsang na amoy ay tuluyang natagpuan ang bangkay ng isang 20-anyos na babae sa loob ng poso negro sa compound ng ASB community village sa Zone III-B, Brgy. Sto. Nino 3rd sa San Jose City, Nueva Ecija. Sa ulat ni P/Supt. Sidney Villaflor, hepe ng San Jose City PNP, kinilala ang biktima na si Rose Ann Paciente. Sa police rerport, lumilitaw na nag-aayos ng mga linya ng kuryente ni Alfredo Labonete nang umalingasaw ang nakakasulasok na amoy kaya tinungo ang poso negro kung saan natagpuan ang naagnas na bangkay ng bik­tima. Napag-alamang huling namataan buhay ang biktima na ka­sama ang kanyang live-in partner na si Antonio Morales na sina­ sabing nanghiram ng motorsiklo ni Labonete. - Christian Ryan Sta. Ana


Show comments