Lider militante itinumba
MANILA, Philippines – Pinagbabaril hanggang sa mapaslang ang isang lider militante habang sugatan naman ang dalawang iba pa sa panibagong karahasan noong Sabado ng madaling-araw sa bayan ng Sumilao, Bukidnon.
Napuruhan ng bala ng shotgun sa tiyan si Renato Peñas, 51, vice president ng Pakisama, isang organisasyon ng militanteng magsasaka (Sumilao farmers) sa Bukidnon.
Patuloy namang ginagamot sa provincial hospital ng Bukidnon ang mga sugatang sina Eliezer Peñas at Samson Doliete.
Samantala, sa loob lamang ng 9-oras, naaresto ng pulisya ang itinuturong suspek na si Alipio Tuman day ng Bgy. San Vicente, matapos ang follow-up operation ng pulisya sa Brgy. Maluko, Manolo Fortich, Bukidnon bandang alas-10:45 ng umaga kahapon
Ang suspek ay positibong nakilala ng isa sa mga saksi na siyang bumaril kay Peñas.
Base sa police report na nakarating sa Camp Crame, lumilitaw na magkakaangkas ang mga biktima sa motorsiklo na bumabagtas sa maputik at pakurbadang highway ng Brgy. San Vicente nang ratratin ng mga di-pa kilalang kalalakihan.
Napag-alamang si Peñas ay kabilang sa mga magsasaka na nangunang magkilos-protesta kaugnay ng Comprehensive Agrarian Reform Program Extension with Reform o CARPER na naipasa na sa Kamara de Representantes kamakailan lamang.. - Joy Cantos
- Latest
- Trending