Nasawing single mom binubusisi

CAVITE, Philippines – Kasalukuyang iniimbestigahan ng pulisya ang pagkamatay ng isang 20-anyos na single mother na ang bangkay ay natag­puan malapit sa banyo ng kan­yang bahay sa Villa Luisa Homes, Barangay San Agus­tin 3, Dasmariñas, Cavite ka­makalawa ng hapon.

Walang damit na pang-ibaba ang biktimang si Kristel Hayag nang matagpuang nakahandusay sa lapag.     

Wala ni anumang tama sa katawan ang biktima maliban lamang sa nakitang bumu­bula ang bibig nito.

Ayon pa sa pulisya, wala rin silang nakitang sapi­ litang pinasok ang bahay ng bik­tima at hindi ring pala­tandaan ng anumang pag­hahamok sa loob ng bahay nito. (Cristina Timbang)

Show comments