4 na bangkay ikinalat

CAVITE, Philippines – Apat na bangkay na kinabibilangan ng isang babae ang na­tagpuan sa magkakahi­walay na lugar Cavite.

Bandang alas-10:00 ng umaga kahapon nang ma­mataan sa ilalim ng isang tulay sa Barangay Mabato sa Maragondon ang pugot na ulo ng babae na tinata­yang may edad na 30 hang­­gang 40-anyos.

Ang dalawang braso ng babae ay nakasabit sa sa­nga ng isang punongkahoy habang ang katawan nito ay lumulutang sa Barangay Talispongo, Indang.

Nakasuot ng berdengt t-shirt at maong pants ang biktima na may silver brace­let sa kanang braso at sa kaliwang braso ay may wrist-band. Natag­puan sa bulsa ng pantalon ang dalawang sim card at isang cell phone na Nokia 1680.

Natagpuan naman ang dalawang bangkay ng la­laki sa kahabaan ng Indang Trece Road bandang alas- 7:30 ng umaga na nakasilid sa loob ng plastic bag at nakagapos ang mga ka­may at sa tabi ay may da­lawang helmet at isang gray na folder na may mga price list ng Three Star Trusted Marketing Inc. na may tanggapan sa Man­daluyong City.

Nakilala ang isang bang­kay na si Romeo Na­piza, 33- anyos, may asa­wa, ng Sitio Everlasting, San Jose Sta. Cruz, Laguna habang ang kasama nito ay tinatayang nasa edad na 35-40, may taas ng 5,6, nakasuot ng maong pants, itim na t-shirt at sapatos, puting jacket at medyas. Hinihinalang hi­noldap ang mga ito bago pinatay.

Kaugnay nito, nakilala ang bangkay ni Rolando Gamitin Jr., 39-anyos ng Cagbalik Mauban, Quezon. Natagpuan siya sa isang madamong lugar sa tabing kalsada ng Barangay Ja­valera, General Trias da­kong alas-4:00 ng mada­ling-araw na may saksak sa ka­li­wang bahagi ng katawan.

Show comments