2 biktima na karahasan natagpuan

BULACAN, Philippines – Dalawang sibilyan na sinasabing biktima ng summary execution ang natagpuan sa magkahiwalay na lugar sa Bulacan kamakalawa. Unang natagpuan ang bangkay ni Basilio Diaz sa gilid ng isang gusali sa Barangay Tarcan, Bali­wag, Bulacan. Ayon sa pulisya, si Diaz ay pi­naniniwalaang naging biktima ng hit-and-run. Samantala, si Dante Bonaobra, 41, ng NorthVille 9, na sinasabing kinur­yente ng mga naka­inuman ay natagpuan ng mga residente sa bisinidad ng Ba­rangay Iba sa bayan ng Calumpit, Bulacan. Boy Cruz

Show comments