^

Probinsiya

Shootout: 7 holdaper tumba

-

RIZAL, Philippines –  Pitong arma­dong kalalakihan na sina­sabing miyembro ng Wa­ray-Waray robbery/hold-up group ang iniulat na napa­tay matapos makipagba­rilan sa mga awtoridad ka­hapon sa bisinidad ng Sitio Palinglingan, Ba­rangay San Juan, Antipolo City, Rizal.

Bineberipika pa ng pu­lisya ang pagkikilanlan ng mga armadong napatay habang narekober naman ang M16 Armalite rifle, limang maiksing baril at isang granada.

Sa police report na nakarating kay P/Senior Supt. Ireneo Dordas, naga­nap ang sagupaan dakong alauna ng hapon kung saan sinalakay ng pulisya ang pinagkukutaan ng mga armadong kalalakihan sa nabanggit na barangay.

Bago maganap ang shootout, namataan ng im­por­mante ng pulisya ang grupo na may mga bitbit na baril kaya kaagad na ipi­nagbigay-alam sa kinau­ukulan.

Dito na bumuo ng pang­kat ang pulisya para sa follow-up operation subalit papa­lapit pa lamang ang mga awtoridad ay umali­ngaw­ngaw ang sunud-sunod na putok mula sa kuta ng mga suspek kaya napilitang gumanti ang pangkat ng pulisya.

Nang mahawi ang usok ay nakabulagta sa loob ng safehouse ang pitong ar­madong kalalakihan ha­bang wala naman iniulat na nasugatan o nasawi sa panig ng pulisya.

Nasamsam sa pinang­ya­rihan ng shootout ang ilang papeles na sinasa­bing puntirya ay isang pawnshop sa bayan ng Cainta, Rizal kung saan ga­gamiting kuta ang inu­pahang bahay. - Danilo Garcia


vuukle comment

ANTIPOLO CITY

ARMALITE

BINEBERIPIKA

DANILO GARCIA

IRENEO DORDAS

RIZAL

SAN JUAN

SENIOR SUPT

SHY

SITIO PALINGLINGAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with