MANILA, Philippines – Pitong rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang iniulat na napatay sa panibagong bakbakan matapos salakayin ng una ang kampo ng militar sa Brgy. Buayan sa bayan ng Datu Piang, Maguindanao kamakalawa.
Ayon kay 6th Infantry Division spokesman, Lt. Col. Jonathan Ponce, sinalakay ng mga rebelde ang kampo ng 54th Infantry Battalion kung saan ay puntiryang pasukin ang pinaglalagyan ng 105mm cannons at ang ammunition storage subalit naipagtanggol ng mga sundalo.
Napilitang umatras ang mga rebelde matapos malagasan kung saan umabot ng ilang minutong bakbakan. Wala naman iniulat na nasugatan o napaslang sa panig ng militar. (Ricky Tulipat)