^

Probinsiya

Tsinoy trader kinidnap

-

KIDAPAWAN CITY, Philippines – Isa na namang Tsinoy trader ang dinu­kot sa Central Mindanao, ilang oras matapos palayain ng mga kidnaper ang isang Chinese trader sa bayan ng North Cotabato.

Kinilala ni P/Senior Supt. Wilfredo Dangane, hepe ng Cota­bato City PNP, ang pinakabagong biktima ng kidnapping na operator ng cockpit na si Leonarda Tan, half-sister ni Manuel Tan na kilalang trader sa Cotabato City.  

Batay sa salaysay ng drayber ni Tan na si Ber­nardo Isidro, papauwi na sila bandang alas-7 ng gabi noong Linggo, nang ha­rangin ng mga armadong kalalakihan sa highway sa Barangay Notre Dame.

Pinalaya ang drayber na si Isidro para maipaabot sa pulisya ang insidente habang si Tan ay inilipat sa isang kotse.

Ayon sa pulisya, ban­dang alas-9 na ng gabi ini-report ni Isidro ang kidnapping, kung saan agad na kinordon ng pulisya at mi­litar ang posibleng exit route ng sasakyan ng mga kidnaper subalit nakalusot pa rin sa inilatag na dragnet operation.

Patuloy naman iniim­bestigahan ng pulisya si Isidro dahil sa hindi kaagad naipaabot ang insidente gayong may ilang metro lamang ang layo sa bahay ng pamilya Tan mula sa presinto ng PNP.

Sa tala ang pulisya, si Tan ay ikatlong dinukot sa Cental Mindanao nitong 2009 kung saan noong Marso ay kinidnap ang mag-amang Wilson at Jennifer Tan sa Cotabato City.

Sinasabing nagbigay ng P10 milyong ransom sa mga kidnaper ang pamilya ng mag-ama para maka­laya.

Dinukot din ang Chinese trader na si Afen Ma Wu, sa bayan ng Kabacan noong Miyerkules (Mayo 27) saka pinalaya noong Linggo (Mayo 31). Hindi naman nabatid ng pulisya kung nagbigay nga ng ransom ang pamilya ni Wu para mapalaya. 

Ayon kay Cotabato Gov. Jesus Sacdalan, ang kidnapping incident sa na­banggit na rehiyon ay maituturing na isolated case at ‘di makakaapekto sa kabuuang takbo ng ne­gosyo sa nabanggit na lalawigan. (Malu Manar)


AFEN MA WU

AYON

BARANGAY NOTRE DAME

CENTAL MINDANAO

CENTRAL MINDANAO

COTABATO CITY

COTABATO GOV

ISIDRO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with