Totoy binihag

MANILA, Philippines - Isang lalake na nagta­ tang­kang tumakas sa mga humahabol na pulis ang pu­masok sa isang bahay sa Sual, Pangasinan at binihag ang isang limang-taong gulang na batang lalaki rito kahapon.

Ayon sa television reports, sinabi ni Sual Police Chief Inspector Amborio Lino na hinahabol nila ang suspek na si Narciso Mandapat dahil sa pagtatangka nitong ma­naksak ng isang pulis nang bigla itong pumasok sa isang bahay sa Barangay Aro.

Tinangay umano ni Man­dapat ang batang si John Cris mula sa ba­hay na pag-aari ng isang Jesus Navarro Sr. bago di­nala ang biktima sa isang abandonadong bahay.

Bihag pa rin umano ni Mandapat ang bata habang isinusulat ito bagaman patu­ loy ang negosasyon ng mga awtoridad para palayain nito ang bata. (Joy Cantos)

Show comments