BAGUIO CITY, Philippines – Umaabot sa 386-katao mula sa limang barangay ang na-ospital matapos manalasa ang sakit na diarrhea sa Baguio City, ayon sa ulat kahapon. Ayon kay Dr. Donatel Tobera ng Baguio City Epidemiology and Surveillance Unit, kabilang sa mga barangay na may diarrhea outbreak ay ang Barangay Imelda Village, M. Roxas, Saint Joseph, Purok 4 sa Brookside at East Modern Site sa Aurora Hill.
Base sa pagsusuri ng mga imbestigador mula sa Baguio Health Services Office, may natagpuang fecal coliform bacteria mula sa water supply na pinagkukunan ng inuming tubig sa Baguio Water District.
Nagkaroon ng leak ang sewerage system patungong pumping station ng BWD sa Navy Base kaya naapektuhan ang tubig ng mga residente kaya pansamantalang ipinatigil ang operasyon habang ginagawa ang mga tubo. Kontrolado naman ang sitwasyon at hindi na maapektuhan ang iba pang barangay. Artemio A. Dumlao