^

Probinsiya

Ipina-video pa ang krimen. 2 pulis nang-rape ng aplikante

-

MANILA, Philippines - Hindi lamang niyurakan ng dalawang pulis ang da­ngal ng kanilang pinag­li­lingkurang heneral kundi maging ang Camp Fermin Lira sa General Santos City sa South Cotabato ay bi­naboy pa dahil sa gina­wang panghahalay sa isang ba­baeng police applicant saka ipina-video pa ang ginawang maitim na balak noong Miyer­kules ng Mayo 20.

Isinailalim na sa summary dismissal proceeding at preventive suspen­sion ang mga suspek na sina PO1 Paul Untal at PO1 John Ripdos na kap­wa security escort ni P/Chief Supt. Fidel Cimatu.

Maliban sa kasong ad­ministratibo ay nahaharap din sa kasong kriminal sina PO1 Untal at PO1 Ripdos na kapwa naghihimas ng rehas na bakal.

 “I strongly condemn what the two non-commissioned officers have done, they have brought shame into the PNP organization, stained our badge of honor and have ill-treated the women’s dignity,” pahayag ni Cimatu sa press statement.

Ang dalawa na mula sa PNP Regional Mobile Group 12 ay inireklamo ng ba­baeng police applicant na itinago sa pangalang De­borah ng Kaba­can, North Cotabato.

Ayon sa ulat, naganap ang panghahalay sa loob ng compound ni Cimatu sa Camp Fermin Lira, kung saan ipina-video pa ng da­lawang pulis ang pam­ba­baboy sa biktima.

Samantala, iniutos din ni Cimatu ang paglilipat ng ka­song administratibo la­ban sa dalawa sa Internal Affairs Service (IAS). Joy Cantos

vuukle comment

CAMP FERMIN LIRA

CHIEF SUPT

CIMATU

FIDEL CIMATU

GENERAL SANTOS CITY

INTERNAL AFFAIRS SERVICE

JOHN RIPDOS

JOY CANTOS

NORTH COTABATO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with