Pagpapasabog sa pier, nasilat

MANILA, Philippines – Dahil sa pagiging alerto ng mga opisyal at tauhan ng isang shipping lines ay nasilat ang pagpapasabog sa pan­talan ng Nasipit, Agusan del Norte kamakalawa.

Batay sa ulat ni P/Chief Supt. Jaime Milla, nadiskubre ang bomba na itinanim sa gilid ng ticketing office ng nasabing establisimyento noong Linggo.

Gawa sa isang kilong ammonium nitrate na nilagyan pa ng mga pako at ikinabit sa electrical detonating cord ang bomba subalit agad namang naidetonate ng mga awtoridad bago pa sumabog kung saan dadanak ng dugo. Patuloy naman ang imbestigasyon. (Joy Cantos)


Show comments