^

Probinsiya

Bike vs truck: 2 patay

-

KIDAPAWAN CITY, Philippines – Karit ni kamatayan ang suma­lubong sa magkaibigang tinedyer matapos mahagip ng truck sa bayan ng Makilala, North Cotabato kahapon ng madaling-araw. Kinilala ng pulisya ang mga nasawi na sina Eugene Patac, 19, chairman ng SK sa Brgy. New Ez­peranza sa bayan ng M’lang. at Christopher Cosingco habang sugatan naman si Xzorie Panerio, 19.

Ayon kay P/Insp. Ramel Hojilla, chief ng Makilala PNP, mag­kakaangkas sa motorsiklo (MD 4845) ang mga biktima nang mabangga ng truck sa harap ng Torreda Funeral Homes.

Sa halip na tulungan ng truck driver ang mga biktima, iniwang nakahandusay sa highway. Ito na ang ikaapat na road mishap na naganap sa highway ng North Cotabato kung saan tatlong sibilyan ang namatay habang 15 naman ang sugatan noong Huwebes at Bi­yernes. (Malu Manar)


AYON

CHRISTOPHER COSINGCO

EUGENE PATAC

MAKILALA

MALU MANAR

NEW EZ

NORTH COTABATO

RAMEL HOJILLA

TORREDA FUNERAL HOMES

XZORIE PANERIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with