BULACAN, Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng apat-katao matapos maaresto ng pulisya sa pot session kahapon ng madaling-araw sa Barangay Kapitan sa bayan ng San Rafael, Bulacan. Pormal na kinasuhan ng pulisya ang mga suspek na sina Frank Hernandez ng Brgy. Poblacion; Conrado Reyes ng Brgy. Matimbubong; Marcelo Dejuanting ng Brgy. San Roque; at si Danilo Evangelista ng Brgy. Kapihan. Base sa police report, ang mga suspek na nakumpiskahan ng 7-plastic sachet ng shabu ay naaresto sa bahay ni Evangelista. Boy Cruz