Brodkaster grabe sa ambus

MANILA, Philippines – Agaw-buhay ngayon ang isang brodkaster matapos itong ratratin ng motorcycle-riding assassin noong Miyerkules ng gabi sa bayan ng Buug, Zamboanga, Sibugay. Kinilala ni P/Senior Supt. Federico Castro, ang biktima na si  Harrison “Tito Har” Mañalac, 49, brodkaster sa dxXE hot FM radio at naninirahan sa Brgy. Poblacion. Base sa imbestigasyon, lumi­litaw na papasok na ang biktima sa radio station nang lapitan at ratratin ng isa sa lalaking lulan ng motorsiklo. Kaagad namang bumuo ang Zamboanga Sibugay PNP ng task force upang imbestigahan ang pamamaril. - Joy Cantos


Show comments