Anak ginawang sex slave
CAVITE, Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng isang 39-anyos na ama makaraang madakip ng pulisya sa reklamong panghahalay sa kanyang anak na dalagita sa bayan ng Maragondon, Cavite kamakalawa.
Pormal na kinasuhan ng pulisya ang suspek na si Salvador Noveno ng Brgy. Pantihan 3 sa nabanggit na bayan kung saan inireklamo ng kanyang anak na 17-anyos.
Base sa reklamo ng biktima, sinimulan ang panghahalay noong Disyembre 2008 at ang pinakahuling insidente ay noong Mayo 15, 2009. Nakahulagpos lamang ang biktima sa kamay ng kanyang ama kaya naipaabot sa kinauukulan ang kanyang reklamo. (Cristina Timbang)
- Latest
- Trending