Mag-ama pinabulagta

BATANGAS, Philippines – Karit ni kamatayan ang sumalubong sa mag-ama sa loob ng kanilang tahanan makaraang ratratin ng mga armadong kalalakihan kahapon ng umaga sa Ba­rangay Del Pilar sa bayan ng San Pascual, Batangas.

Kini­lala ni P/Senior Supt. Jesus Gatchalian, Batangas police director, ang mag-amang sina Regino Lopez, 61, ex-Philippine Coast Guard at ang anak nitong lalaki na si Jennifer, 35.

Sa police report, lumilitaw na apat na kalalakihan na ar­ma­do ng malalakas na kalibre ng baril ang dumating sa bahay ng pamilya Lopez at hinahanap si Regino ban­dang alas-5 ng umaga.

Nang mamataan ang matandang Lopez, ay kaagad na pi­nagbabaril kung saan nadamay ang anak nito. Mabilis na tumakas ang mga gunmen sakay ng kotse. (Arnell Ozaeta)


Show comments