Dalagita ni-rape ng mag-utol

BULACAN, Philippines – Nawasak ang pagkababae ng isang menor-de-edad makaraang gahasain ng mag-utol na naging ka-textmate ang una kamakalawa sa Barangay San Pedro, Bustos, Bulacan kamakalawa. Luhaang dumulog sa himpilan ng pulisya ang biktimang 17-anyos para magsampa ng reklamo laban sa mga suspek na sina Ronaldo “Bobby” Manzano at Ronaldo “Onad” Manzano. Sa police report, lumilitaw na pinaunlakan ng biktima ang paanyaya ng mag-utol sa gagawing kasi­yahan. at dahil sa matagal nang ka-textmate ng biktima ay nagpasundo pa ito papuntang bahay ng mag-utol. Dito na pinainom ng alak ang biktima hanggang sa ma­hilo at maisagawa ang maitim na balak ng mag-utol. Tu­gis na ng pulisya ang mga suspek. - Boy Cruz


Show comments