Kabesa, tanod inutas sa koronasyon

ISABELA, Philippines – Naging madugo ang koronasyon ng beauty pageant sa Barangay Calabanga makaraang pagbabarilin hanggang sa mapatay ang isang barangay chairman at barangay tanod kamakalawa sa bayan ng Angadanan, Isa­bela. Kabilang sa napatay ay sina Chairman Edgardo Dugay ng nabanggit na barangay at ang barangay tanod na si Mauricio Altaran. Bandang alauna ng mada­ling-araw nang lapitan at pagbabarilin ng dalawang di-pa kilalang lalaki si Dugay habang si Altaran ay nadamay matapos tamaan ng ligaw na bala. Nag­panakbuhan naman ang mga residente palayo sa nasa­bing lugar para umiwas sa putukan. Wala pang malinaw na motibo sa pamamaslang. - Victor Martin


Show comments