2 lider ni Bravo sumuko
MANILA, Philippines - Dumanas ng panibagong dagok ang grupo ng pasa way na si Moro Islamic Liberation Front Commander Abdulrahman Macapaar alyas Commander Bravo matapos na sumuko sa militar ang dalawa niyang battalion commander at tatlo pang tauhan sa Marawi City, Lanao del Sur kamakalawa.
Sa report na tinanggap kahapon ni Army Chief Lt. Gen. Delfin Bangit, kinilala ang sumukong rebelde na si Lomantong Bagonte alyas Totong/Commander Agila.
Ayon kay Army Spokesman Lt. Col. Arnulfo Marcelo Burgos Jr., si Commander Agila ang tumatayong lider ng 1st Battalion ng 212th Brigade sa ilalim ng 102nd Base Command ng grupo ni Commander Bravo.
Si Bravo, may patong sa ulo na P10 milyon ay wanted sa batas kaugnay ng madugong pag-atake sa apat na bayan ng Lanao del Norte noong Agosto ng nagdaang taon.
Kinilala ang isa pa na si Ribogar Babolaket Mabaning alyas Eddie, Deputy Battalion Commander at tatlo pang mga tauhan nito. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending