^

Probinsiya

Convoy binomba

- John Unson -

MANILA, Philippines - Nakaligtas sa tiyak na kamatayan si dating Ma­guindanao Governor Datu Andal Ampatuan habang napatay ang isa nitong kasamahan at tatlo ang lubhang nasugatan mata­pos na pasabugin ang kalsa­dang dadaanan patungo sa kanyang farm sa isang liblib na lugar sa Cotabato City.

Patay agad ang traba­hador ni Ampatuan na si Tony Bangkuran dahil sa matinding tama ng mga shrapnels sa kanyang ka­tawan habang sugatan ang tatlo pa nitong kasamahan.

Ayon sa provincial administrator ng Maguinda­nao na si Engineer Norie Unas, patungo si Ampa­tuan sa kanyang farm sa Barangay Bagung mula sa kanyang bahay sa Shariff Aguak lulan ng kanyang kotse nang sumabog ang isa sa mga bombang na­kakalat sa kalsada.  

Kasunod noon ni Ampa­tuan ang convoy o apat na pick-up truck na sinasak­yan ng kanyang mga tra­ba­hador.

Lumalabas sa imbesti­gas­yon na ang bombang ginamit laban kay Ampa­tuan ay tulad ng mga bom­bang ginagamit ng mga eksperto ng Moro Islamic Liberation Front at gina­gamit lang ito kung ang pasasabugin ng huli ay mga pampublikong lugar gaya ng bus terminals.

Nabatid na hindi ito ang unang pag-atake laban kay Ampatuan. Una siyang ti­nambangan ng MILF noong Disyembre 23, 2003 kung saan namatay ang anak na si Datu Saudi at 18 -tauhan nito ng taniman ng bomba ang sinasakyang multi-cab sa nabanggit ding lugar.  

Pinabulaanan ng taga­pagsalita ng MILF na si Eid Kabalu na sila ang may kagagawan ng pagpapa­sabog.

Posibleng itinanim ang mga bomba kamakalawa ng gabi o kahapon ng ma­daling araw at pinasabog sa pamamagitan ng mobile phone.        

Ang mga bomba ay pa­wang gawa sa mga bala ng 81mm na, ayon sa militar ay ‘signature bomb’ ng MILF. (May ulat ni Malu Manar)

AMPA

AMPATUAN

BARANGAY BAGUNG

COTABATO CITY

DATU SAUDI

EID KABALU

ENGINEER NORIE UNAS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with