Bus vs trike: 2 tinedyer dedo

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines – Dalawang  tinedyer ang sinalubong ni kamatayan samantalang dalawang iba pa ang sugatan matapos su­malpok ang sinasakyan nilang traysikel sa pampasaherong bus sa bayan ng Candelaria, Quezon kahapon ng ma­daling-araw. Kinilala ni SPO2 Menardo Del Mundo, ang dalawang nasawi na sina Jomar Baes at Jaycee Kevin Rodriguez, kapwa 17-anyos at mga residente ng Brgy. Red V, Lucena City. Sugatan din sa nasabing aksidente sina Dominador Redona at Rom­mel Ofrenio na kapwa isinu­god sa United Candelaria Doctor’s Hospital. 

Ayon sa police report, binabagtas ng traysikel ang Maharlika Highway sa Brgy. Malabanban Norte nang banggain ng kasalubong na Tawtranco Bus (EWD-176) na minamaneho ni Jonathan Contreras ban­dang alas-2:30 ng madaling-araw. Arnell Ozaeta at Tony Sandoval


Show comments