Killer ng publisher/editor arestado

MANILA, Philippines – Bumagsak sa kamay ng pulisya ang pangunahing suspek sa pagpatay sa publisher/editor ng Starline Recorder  sa isinagawang operasyon sa bayan ng Ma­balacat, Pampanga ka­hapon ng umaga.

Kinilala ni PRO-3 director P/Chief Supt. Leon Nilo dela Cruz ang suspek na si Nilo “Boyet” Morete na sinasabing may patong sa ulo na P140,000 at kabi­lang sa 20-wanted  na kri­mi­­nal na sangkot sa extrajudicial killing ng mga me­diamen, pulitiko at mga mi­yembro at lider militante sa bansa.

Ayon kay de la Cruz, si Morete na inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Manila Regional Trial Court Branch 6 ay pa­ngunahing suspek sa pa­mamaslang kay Philip Agus­tin, publisher at editor ng Starline Recorder sa Nueva Ecija at Aurora.

Magugunita na si Agus­tin ay pinagbabaril ng da­lawang armadong kalala­kihan sa bayan ng Dinga­lan, Aurora noong Mayo 19, 2005.

Patuloy naman ang man­hunt operation ng Task Force USIG sa isa pang suspek na si Nilo Al­ day. Joy Cantos


Show comments