Killer ng publisher/editor arestado
MANILA, Philippines – Bumagsak sa kamay ng pulisya ang pangunahing suspek sa pagpatay sa publisher/editor ng Starline Recorder sa isinagawang operasyon sa bayan ng Mabalacat, Pampanga kahapon ng umaga.
Kinilala ni PRO-3 director P/Chief Supt. Leon Nilo dela Cruz ang suspek na si Nilo “Boyet” Morete na sinasabing may patong sa ulo na P140,000 at kabilang sa 20-wanted na kriminal na sangkot sa extrajudicial killing ng mga mediamen, pulitiko at mga miyembro at lider militante sa bansa.
Ayon kay de la Cruz, si Morete na inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Manila Regional Trial Court Branch 6 ay pangunahing suspek sa pamamaslang kay Philip Agustin, publisher at editor ng Starline Recorder sa Nueva Ecija at Aurora.
Magugunita na si Agustin ay pinagbabaril ng dalawang armadong kalalakihan sa bayan ng Dingalan, Aurora noong Mayo 19, 2005.
Patuloy naman ang manhunt operation ng Task Force USIG sa isa pang suspek na si Nilo Al day. Joy Cantos
- Latest
- Trending