Pulis itinumba ng NPA

MANILA, Philippines – Isa na namang pulis ang iniulat na napatay matapos ratratin ng mga rebeldeng New People’s Army sa bisi­nidad ng Brgy. Nalsian Sur sa bayan ng Bayam­bang, Pa­ngasinan kamakalawa. Limang bala ng baril ang tumapos sa buhay ni SPO1 Renato Valencia ng Bayambang Police Station. Sa police report na na­karating sa Camp Crame, lumilitaw na lulan ng mo­torsiklo si SPO1 Valencia patungong himpilan ng pu­lisya sa bayan ng Bayambang nang dikitan at ratratin ng motorcycle-riding assassins. - Joy Cantos


Show comments