Most wanted sinunog ng NPA

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang lalaki na sinasabing most wanted dahil sa kasong multiple murder noong 2007 makaraang pag­babarilin at sunugin ng mga rebeldeng New People’s Army sa Sitio Curvada, Brgy. Pasig sa bayan ng Claveria, Mas­bate kamakalawa. Kinilala ang biktima na si Edgar “Gayon” Nunez na sinasabing may naka­binbing warrant of arrest kaugnay sa kasong robbery at sinasabing nag­papanggap na kolektor ng NPA rebs. Napag-alamang ki­na­ladkad ang biktima palabas ng kanyang bahay bago niratrat at sinunog ng mga rebelde. - Ed Casulla


Show comments