6 'pulis' nanloob sa bahay-kalakal

CAVITE, Philippines – Pinaniniwalaang milyong halaga ang natangay ng mga armadong kalalakihan na naka­uni­porme ng pulis makaraang looban ang isang establi­samyento kahapon ng madaling-araw sa Barangay Sam­paloc sa bayan ng Das­mariñas, Cavite.

Base sa police report, anim na kalala­kihan nag­panggap na mga pulis ang pumasok at ninakawan ang Business People, Inc. na nasa Platinum Bldg. bandang alas-2 ng madaling-araw.

Walang nagawa ang security guard na si Jeffrey Salvador matapos disarmahan bago wasa­kin ang safety vault na kinalalagyan ng malaking halaga. Nakatakas ang mga nanloob sakay ng puting van na walang plaka. (Cristina Timbang)


Show comments