BONTOC, Mt. Province, Philippines – Nagpasaklolo ang pamunuan ng Provincial Peace and Order Council (PPOC) sa national government makaraang maging inutil ang mga lokal na ahensya ng pamahalaan laban sa operasyon ng illegal logging at pagkawasak ng kabundukan.
Nananawagan si Governor Maximo Dalog Sr. na suportahan nina Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Lito Atienza, Department of Interior of Local Governments (DILG) Secretary Ronaldo Puno at ng Cordillera Police Regional Office ang ka nilang kampanya para pigilin ang pagkaubos ng mga punongkahoy na nagiging sanhi ng landslide sa nasabing lalawigan.
“Kahit may mga checkpoint na inilatag ang mga kinauukulang ahen sya para protektahan ang kagubatan ay patuloy pa rin ang operasyon ng illegal logging sa bayan ng Paracelis at Upper Bauko kung saan nakakalbo na ang kagubatan,” pahayag ng gobernador
Sa ulat ng Peace and Order Council, lumilitaw na patuloy na nakapagpupuslit ng tone-toneladang narra lumber ang sindikato mula Paracelis patungong bayan ng Roxas at Sabela.
Napag-alamang may kahirapang arestuhin ng pulisya na nagbabantay sa mga checkpoint ang mga illegal logger dahil sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan ang sangkot.
Nabatid na disma yado ang mga representative ng Asian Development Bank na bumisita kamakalawa sa Upper Bauko dahil sa pagkawasak ng kabundukan.
Hiniling din ng PPOC sa Department of Interior of Local Government (DILG) na imbestigahan ang ilang opisyal ng lokal na pamahalaan ng Pa racelis na sangkot sa illegal logging. (Artemio A. Dumlao)