^

Probinsiya

Highway tragedy: 3 dedo, 33 sugatan

-

BATANGAS, Philippines – Tatlo-katao ang kumpirmadong nasawi habang 33 iba pa ang nasugatan matapos magsalpukan ang pampa­sa­herong bus at 6-wheeler truck sa kahabaan ng ba­yan ng Sto. Tomas, Ba­tangas kahapon ng ma­daling-araw.

Kabilang sa mga na­matay ay si Melba Roma, samantalang nanatiling unidentified ang dalawa pang biktima na isang lalaki at isang babae na na­kalagak na sa Bayrante Funeral Homes. 

Sa police report na na­karating kay P/Superintendent Raul Tacaca, hepe ng Sto. Tomas PNP, binabag­tas ng PP Bus Lines (TWZ-752) ang kahabaan ng Maharlika Highway sa Brgy. San Vicente nang sumalpok sa kasalubong na 6-wheeler truck (GNS-281) bandang alas- 2:45 ng madaling-araw.

Sa inisyal na pagsisiya­sat, nahulog ang bus sa may 6 na talampakang lalim na kanal ng highway matapos bumangga sa kasalubong na truck na nagresulta ng pagkamatay at pagkakasugat ng mga biktima.

 “Malayo pa raw ang bus pero nakita na nila na medyo pagewang-gewang na ito sa highway hang­gang mahagip ang truck,” pahayag ni Tacaca.

 “Posibleng nakaidlip ang drayber ng bus kaya naganap ang trahedya,” dagdag pa ni Tacaca

Naisugod naman sa St. Cabrini Hospital, Sto. Tomas General Hospital at sa Mercado Hospital sa Tanauan City ang mga sugatang biktima.

Sumasailalim sa imbes­tigasyon ang drayber ng bus na si Francis Jacinto at truck driver na si Luisito Quinones sa himpilan ng pulisya na posibleng ma­kasuhan. Arnell Ozaeta

ARNELL OZAETA

BAYRANTE FUNERAL HOMES

BUS LINES

FRANCIS JACINTO

LUISITO QUINONES

MAHARLIKA HIGHWAY

MELBA ROMA

MERCADO HOSPITAL

SHY

STO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with