CAMARINES NORTE, Philippines – Isang dating rebeldeng New People’s Army na ngayon ay asset ng AFP at PNP ang iniulat na pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga dating kasamahan sa kilusan sa Purok 4, Brgy. Sta. Elena sa bayan ng Jose Panganiban, Camarines Norte. Nakilala ng pulisya ang biktima na si Nestor Pajabera 28, tubong Calabanga, Camarines Sur at nakatira sa Purok 6, Brgy. Larap. Si Pajabera na dating miyembro ng Sentro ng Depensang Grupo ay niratrat habang nakikipag-inuman ng alak sa mga kaibigan sa bahay ni Salvador Marinay. Samantala, tinamaan ng ligaw na bala ng baril ang sibilyang si Josephine Llorca, 17, ng Brgy. Gumos, Paracale. Francis Elevado