^

Probinsiya

Hospital owner pinabulagta

- Ni Boy Cruz -

BULACAN, Philippines – Nagmis­tulang gulay na bumulagta ang isang hospital owner makaraang barilin sa batok ng ’di-pa kilalang lalaki ka­hapon sa gate ng kanilang bahay sa Barangay Tangos, Baliwag, Bulacan.

Sa mismong pag-aaring Sagrada Familya Hospital natapos ang buhay ni Mar­celo Raymundo matapos mapuruhan ng bala ng baril sa batok.

Lumilitaw sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-7:45 ng uma­ga habang papalabas ng kan­yang bahay si Rey­mundo na mister ni Dr. Erlinda Ray­mundo nang lapitan at barilin ng isang lalaki na nakasuot ng kulay dilaw na jacket at bullcap.

Napag-alamang katabi lamang ng kanyang bahay ang pag-aaring ospital kung saan mabilis na naka­puga ang gunman na sa­kay ng motorsiklo.

Sinisilip ng mga imbesti­gador ang anggulong pag­hihiganti ng ilang kamag-anak ng mga pasyente ng na­sabing ospital na pinani­niwalaang napagsabihan ng biktima kaugnay sa pagba­bayad ng hospital bill.

vuukle comment

BALIWAG

BARANGAY TANGOS

BULACAN

DR. ERLINDA RAY

LUMILITAW

NAGMIS

NAPAG

RAYMUNDO

SAGRADA FAMILYA HOSPITAL

SHY

SINISILIP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with