Negosyante nilikida
RIZAL, Philippines – Binaril at napatay ang isang babaeng negosyante ng ’di-pa kilalang lalaki saloob ng kanyang kotse kahapon ng umaga sa bisinidad ng Sitio Sukol sa Barangay Dalig, Antipolo City, Rizal.
Nakilala ang biktima na si Marites Cedano, 38, dalaga, nagpapautang ng malaking halaga at residente ng Robinson Homes, Antipolo City.
Sa ulat ng pulisya, dakong alas-9 ng umaga nang matagpuan ang biktima sa loob ng kanyang kotse (ZEE-590) habang nakaparada sa may Zigzag Road ng nabanggit na barangay.
Sinasabing malambot pa ang katawan ng babae nang madiskubre ng mga residenteng nag-usyoso matapos na makarinig ng putok ng baril. (Danilo Garcia)
- Latest
- Trending














