Brgy. secretary itinumba

CAVITE, Philippines – Isang opisyal ng barangay ang iniulat na binaril at napatay sa loob ng kanyang tahanan kama­kalawa sa Brgy. San Antonio De Padua 1 sa bayan ng Dasmariñas, Cavite.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Ana Macabare, 51, brgy secretary ng Blk 7 Lot 1 ng nabanggit na barangay. Saman­talang nasa malub­hang kalagayan ang suspek na si Buena­ventura Padiz, matapos naman itong barilin ng hepe ng tanod ng Brgy. Sta. Maria.

Base sa police report, lumilitaw na naaresto si Padiz matapos ang follow-up operation ng pulisya kasama ang hepe ng tanod na si Sabino Giatao. Sa kasalukuyan ay tugis naman ng pulisya si Giatao. (Cristina Timbang)


Show comments