P.7M limas sa banko
VILLAVERDE, Philippines – Tinatayang umaabot sa P.7 milyong cash ang tinangay ng Acetylene Gang matapos pasukin ang rural bank noong Linggo ng madaling-araw sa bayan ng Villaverde, Nueva Vizcaya.
Ayon kay P/Senior Inspector Noel Libunao, hepe ng Villaverde PNP, dakong alas-7 ng gabi nang looban ang Rural Bank of Villaverde sa Bintawan Road, Brgy. Bintawan Norte, kung saan dinisarmahan ang dalawang guwardyang sina Ariel Wasin, at Kerwin Dalit.
Samantala, sinabi naman ni P/Senior Supt. Pedro Danguilan, police provincial director na nakilala na ang tatlo sa anim na suspek batay na rin sa pagsasalarawan ng dalawang guwardya.
Ayon kay SPO1 Lando Chua, imbestigador ng Nueva Vizcaya Criminal Investigation and Detection Group, pansamantalang hindi inihayag ang pagkikilanlan ng mga suspek upang hindi mabulilyaso ang follow-up operation. (Victor Martin)
- Latest
- Trending




















