Pulis tumba sa ambus
BAGUIO CITY, Philippines – Tinambangan at napatay ang isang opisyal ng pulis na patungo na sana sa himpilan ang pulisya sa bayan ng Batac, Ilocos Norte noong Linggo sa bisinidad ng Brgy. Bungon.
Napuruhan sa ulo ng bala ng baril si Police Inspector Jimmy Ulep matapos ratratin ng motorcycle–riding assassins sa kahabaan ng highway na sakop ng nabanggit na barangay.
Sa inisyal na ulat ng pulisya, si Ulep na lulan ng Toyota Corolla patungo sa police station nang salubungin ni kamatayan. Nangangamba naman ang taumbayan sa serye ng krimen na nagaganap sa lalawigan ng Ilocos Norte. (Artemio Dumlao)
- Latest
- Trending




















