Fan ni Pacman todas sa atake

BATANGAS, Philippines – Nama­tay sa katuwaan ang isang 64-anyos na fan ni Pac­man makaraang atakihin sa puso habang nanonood ng boksing nina Manny Pacquiao at Ricky Hatton kahapon ng umaga sa bayan ng San Pascual, Batangas.

Kinilala ni P/Chief Inspector Rebato Mercado, hepe ang pulisya sa bayan ng San Pascual, ang bik­timang si Francisco La­longisip ng Barangay Ilat South, San Pascual.

Ayon sa police report, ma­sayang nakikipanood si Lalongisip ng telebisyon sa kanyang kapitbahay kasa­ma ang ilang kaibigan nang bigla na lang matumba bandang alas-11:40 ng umaga

“Naglululundag habang pumapalakpak  sa katu­waan si kuya nang bigla na lang mawalan ng malay nang mapabagsak ni Pac­quiao si Hatton sa 2nd round,” paha­yag ni Bernar­dita na nakababatang ka­patid ng biktima.

Napag-alamang panga­la­wang atake sa puso na ng biktima simula pa noong 2006 at hindi na nga pinag­tatrabaho ng kanyang tat­long anak dahil na-stroke.

 “ Avid fan ni Manny Pac­­quiao si kuya, wala ngang pinalalampas na laban ni Pacman ‘yun, lagi n’yang pinanonood kahit maki­panood pa siya sa ibang ba­hay,” dagdag pa ni Ber­nardita

Isinugod pa si La­longi­sip sa Bejasa Hospital sa bayan ng Bauan, Batangas pero idineklara na itong patay pagdating sa emergency room.

Show comments