^

Probinsiya

Ama nang-hostage ng 3 anak, todas

-

LEGAZPI CITY, Philippines – Isang ama na sinasabing nawala sa katinuan ang iniulat na nabaril at napatay ng pu­lisya makaraang tagain nito ang kanyang anak at i-hostage naman ang mag-utol sa loob ng kanilang bahay kamakalawa ng umaga sa Barangay Burabod sa ba­yan ng Castilla, Sorsogon.

Napilitang barilin at mapatay ng mga rumes­pondeng pulis si Salvador Lorilla matapos tagain ang kanyang anak na babae na si Sheynn Pearl Lorilla, 4 habang nailigtas naman ang mag-utol na sina Jane Karl Lorilla, 3; at Jyruss Dave Lorilla.

Naisugod naman sa Vicente Peralta Memorial Hospital si Sheynn Pearl matapos magtamo ng su­gat sa ulo at leeg. 

 Napag-alamang nagsi­mulang mawala sa kati­nuan ang ama ng mag-uutol ban­dang alas-10 ng umaga kamakalawa kung saan hi­nostage ng ama na may ha­wak na matalim na itak ang kanyang tatlong anak.

Kaagad naman naki­pag-negosasyon ang ilang pulis at opisyal ng ba­rangay kay Salvador na nanlilisik ang mga mata para pawalan ang mga bihag subalit pinagtataga ang kanyang anak na si Sheynn.

Maagap naman ang mga pulis kaya nagdesis­yong barilin si Salvador para maiwasan ang pag­kamatay ng mag-uutol na bata.

Nabatid na nawalan ng malay ang asawa ni Salvador na si Genalyn Lorilla matapos makita na tinaga ang kanyang anak.

Ayon sa pulisya, si Salvador ay naging pasyente sa mental hospital sa ba­yan ng Pili, Camarines Sur at pinauwi dahil ito ay ma­galing na. Ed Casulla

vuukle comment

BARANGAY BURABOD

CAMARINES SUR

ED CASULLA

GENALYN LORILLA

JANE KARL LORILLA

JYRUSS DAVE LORILLA

SALVADOR LORILLA

SHEYNN PEARL

SHEYNN PEARL LORILLA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with