Kasapi ng Bayan Muna itinumba

MANILA, Philippines - Isang aktibong miyem­bro ng maka-Kaliwang grupong Bayan Muna ang pinagbabaril hanggang mapatay ng dalawang mas­karado at armadong lalake sa Barangay Pob­la­cion, Boston, Davao Orien­tal kamakalawa ng hapon.

Agad na nasawi sa pinangyarihan ng insidente ang biktimang si Lodenio Monzon.

Sinasabing pauwi na si Monzon sa kanyang bahay lulan ng kanyang motor­siklo nang sundan siya ng mga salarin na sakay din ng motorsiklong walang plaka sa kahabaan ng Sitio Cabak sa Barangay Pobla­cion.

Pinagbabaril ng mga suspek ang biktima nang matapatan nila ito.

Nakasuot pa ng bonnet at itim na jacket ang mga salarin nang isagawa ang krimen. (Joy Cantos)

Show comments